Hindi binigyan ng pera SENIOR, PINANA NG ANAK

QUEZON – Natuhog ang isang senior citizen matapos na panain ng kanyang binatang anak na hindi niya binigyan ng pera sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga.

Nakatusok pa ang bakal na pana sa tiyan ng biktimang si Demetrio Del Mundo Maliglig, 69-anyos, nang isugod sa ospital sa Lucena City.

Batay sa report ng Tiaong Police, bandang alas-7:20 ng umaga nang humingi ng pera ang suspek na si Jayson Wagan Maliglig, 18-anyos, sa kanyang tatay habang sila ay nasa kanilang bahay sa Barangay San Jose.

Ngunit nang walang maibigay na pera ang tatay ay nagalit ang anak at nagtalo ang mag-ama hanggang sa kumuha ng spear gun ang binata at pinana ang biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima na tinamaan sa tiyan habang naaresto naman ng nagrespondeng mga pulis ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated parricide at paglabag sa RA 3553 (An Act to Prohibit the Possession of Deadly Arrow). (NILOU DEL CARMEN)

58

Related posts

Leave a Comment