KAGAWAD, 22 PANG TULAK TIMBOG SA CAVITE

0

CAVITE – Arestado sa mga awtoridad ang 23 hinihinalang drug pusher, kabilang ang isang barangay kagawad, makaraan ang inilatag na buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Kinilala ang arestadong kagawad na si Jeffrey Herrera ng Barangay Poblacion 4, Indang Cavite gayundin ang kasama nitong si Edmundo Mojica, 47-anyos.

Dakong alas-10:00 ng gabi noong Biyernes nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Indang MPS sa Brgy. Poblacion 4, Indang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Police Office (CPPO), isinagawa ang magkakahiwalay na buy-bust operation sa limang lungsod at apat na bayan sa lalawigan ng Cavite sa pagitan ng alas-10:30 ng umaga noong Biyernes hanggang alas-12:20 ng madaling araw nitong Sabado.

Nanguna ang General Mariano Alvarez (GMA) sa may pinakamaraming nadakip sa bilang na lima; 4 sa Trece Martires City; tig-3 sa Naic at Bacoor City; tig-2 sa Cavite City, Dasmariñas City at Indang habang tig-1 sa Alfonso at Imus City. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

2 Thoughts to “KAGAWAD, 22 PANG TULAK TIMBOG SA CAVITE”

Leave a Comment