KALAGAYAN NG BIKTIMA NG LINDOL BANTAY-SARADO

lindol22

(NI NOEL ABUEL)

TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na nagpapatuloy ang monitoring ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa kalagayan ng mga mamamayan sa mga lugar sa Mindanao na nakakaranas ng paglindol.

Ayon sa senador, naka-deploy aniya ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para agad na matugunan ang pangangailangan ng local government units (LGUs).

Kabilang  umano sa mga ahensya ng gobyerno na umaalalay sa mga residente sa Mindanao ang Department  of Public Works and Highways (DPWH), Department  of Social Welfare and Development (DSWD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department  of Health (DOH) at Office of Civil Defense (OCD).

Sinabi ni Go na plano rin nitong bisitahin muli ang mga biktima ng lindol sa North Cotabato at Davao del Sur upang ipakita sa mga ito na hindi tumatalikod ang pamahalaan sa obligasyon sa mga Filipino.

Kinumpirma ni Go na plano niyang ipasyal ang mga batang biktima ng  lindol sa Davao para makalimutan  nila ang trauma ng nangyari sa kanila.

Maliban pa ito sa mga dadalhin niyang pagkain at iba pang  tulong para mabawasan ang pasanin ng mga biktima.

 

124

Related posts

Leave a Comment