KASAPI NG CTG, NABITAG NG PNP-PRO5

“OUR stringent efforts to get the custody of on the loose criminals has been paying off,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang isang miyembro ng communist terrorist group CPP-MPA-NDFP, sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kinilala ng Bicol PNP chief ang nabitag na NPA na si Gerardo Mendoza dela Peña, 38, ng Purok 2, Brgy. Manlucongan, Vinzons, Camarines Norte, isang active member ng Platoon 1, Larangan 1, Kilusang Partido 1, CTG/CNN, at nakatala bilang no.3 municipal level most wanted person ng Camarines Norte dahil sa kasong pagpatay.

Si Dela Peña ay nadakip ng PRO5-Camarines Norte, Paracale MPS bilang lead unit, katuwang ang Sta. Elena MPS, 902nd Brigade ng Philippine Army, at 9th Infantry Division ng Philippine Army, sa superbisyon ni P/Col. Julius D. Guadamor, PD CamNorte PPO.

Ang suspek ay pakay ng warrant of arrest para sa kasong murder na walang inirekomendang pyansa.

Bukod dito, may isa pang kaso ang suspek kaugnay sa paglabag sa RA 10591 o New Firearms and Ammunition Law. (JESSE KABEL)

 

97

Related posts

Leave a Comment