KASO NG COVID-19 SA QUEZON PROVINCE, 3 NA!

NADAGDAGAN ng dalawang bagong positibong  kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon.

Lunes ng umaga nang ianunsyo ng Public Information Office ng lalawigan ang panibagong kaso.

Umabot na ngayon sa tatlo ang positibong kaso sa probinsya.

Wala namang ibang ibinigay na detalye ang mga lokal na opisyal ng Quezon tungkol dito.

Meron din itong 73 kaso ng patient under investigation at dalawa na sa mga PUI ang pumanaw.

Pero ayon sa local health officials, hindi pa rin makumpirma kung COVID-19 ang ikinamatay ng dalawa dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng swab test sa mga ito. NILOU DEL CARMEN

 

68

Related posts

Leave a Comment