Lalaki pinagbabaril sa inuman KAMPAI SA KAMATAYAN

HINDI na muling makakasama ng kanyang mga katropa sa inuman ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin habang hawak pa ang baso ng alak, iniulat kaninang umaga sa Camarines Sur.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Alex Iglesia, 39-anyos, residente ng Iriga City.

Batay sa report ng Iriga Municipal Police Station, naglatag ng mesa sa labas ng bahay ng biktima at doon sila nag- inuman ng mga kaibigan.

Ngunit habang tumatagay, dumating ang salarin na nakasuot ng bonnet at pinagbabaril ang biktima. Wala namang nasaktan sa mga kainuman nito.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin. (ANNIE PINEDA)

91

Related posts

Leave a Comment