LANAO DEL SUR GOV. POSITIBO SA COVID

COTABATO City – Nagpositibo sa coronavirus Disease o COVID-19 si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong, Jr.

Ito ang kanyang inanunsiyo kahapon. “I tested positive for coronavirus despite having adapted stringent measures to prevent me from getting infected,” pahayag ng gobernadora.

Agad namang dinala ang gobernador sa isolation facility sa Marawi City’s Amai Pakpak Medical Center mataposmabatid nito na nagpositibo siya sa nasabing sakit noong Linggo ng gabi.

Posibleng nakuha nito ang sakit sa dinadaluhang public engagements kung saan sinasabing positibo sa COVID-19 ang ilan sa mga nakasalamuha nito.

“I believe Allah will help me get through this health challenge. My office will continue to function even if I am under quarantine,” wika pa ng gobernador.

Aniya pa, kanyang ipasasailalim ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng probinsiya, na kanyang mga nakasalamuha, sa medical examination para na rin sa kanilang kalusugan. (BONG PAULO)

35

Related posts

Leave a Comment