Lender tinadtad ng saksak RAPE-SLAY SA LOOB NG BAHAY

KORONADAL CITY – Natagpuang walang buhay ang isang ginang na hinihinalang ginahasa muna bago pinagsasaksak sa loob ng bahay nito sa Purok Garcia, Brgy. Rotonda sa lungsod na ito, noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Carol Sunga Fuentes, 55-anyos, nagpapautang umano ng 5-6 at nakatira sa nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Koronadal City PNP, alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang krimen makaraang matagpuan ang biktimang tadtad ng saksak sa katawan.

Maaaring dumaan umano sa bintana sa likurang bahagi ng bahay ang suspek, ayon sa imbestigador ng pulisya.

Ayon sa kapatid na si Norma Sunga, nagpapautang ang biktima. “Nakatanggap pa ako ng wrong send message niya sa akin hinggil sa nawawalang pera nito,” pagbabahagi ni Norma sa pulisya.

Posible umanong kilala ng biktima ang pumatay sa kanya.

Bago ang insidente, narinig umano ng ilang mga kapitbahay na umiiyak ang biktima ngunit hindi malinaw ang naririnig nilang usapan sa loob ng bahay dahil sa ingay ng kahol ng mga aso sa paligid.

Isa sa ‘persons of interest’ ang karelasyon ng biktima na kasama sa pangangasiwa ng pautang ng ginang. (BONG PAULO)

55

Related posts

Leave a Comment