‘LIWAYWAY,’ TROPICAL STORM NA

BAGYONG LIWAYWAY

(Ni DAHLIA S. ANIN)

Nanatiling nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Batanes dahil mas lumakas pa si Bagyong Liwayway at isa na itong severe tropical storm ayon sa PA-GASA.

Pinag-iingat ng weather bureau ang mga residente ng Batanes dahil sa posibleng paglakas ng hangin doon.

Sa huling tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 250 kilometro Si-langan-Hilagang-Silangan ng Calayan, Cagayan o 205 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Basco, Batanes.

Nagtataglay ito ng lakas ng hangin na aabot sa  95 kph malapit sa sentro at bugso na aabot sa 115 kph.

Bumagal ang kilos nito sa 10 kph ang tinatahak ang direksyon patungong Hilaga-HilagangKanluran.

Inaasahan ng PAGASA na lalabas na ito sa PAR ng Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.

Hindi inaasahang magla-landfall ang bagyo sa kalupaan ng ating bansa.

Sa kabila nito ay mgdadala pa din ito ng mahina hanggang papalakas na pag ulan sa Apayao, Cagayan kasama ang Babuyan Islands at Batanes.

Magdudulot naman ng pag-ulan ang Hanging Habagat sa Ilocos Region, Central Lu-zon, Metro Manila, CALABARZON, Hilagang bahagi ng Palawan, probinsya ng Min-doro at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Patuloy na pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar lalo na ang mga nakatira sa flood at landslide prone areas.

Delikado din umano ang pagbyahe sa seaboards ng Luzon dahil sa malakas na alon.

202

Related posts

Leave a Comment