LOLO NATUSTA SA POSPORO  

0

TACLOBAN City – Nalitson ang isang lolo na may problema sa pag-iisip dahil sa pinaglaruang posporo na tumupok sa tatlong kabahayan, iniulat nitong Linggo ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Clemente Butal, 65-anyos, residente ng Barangay Daja Diot, San Isidro, Leyte.

Ayon kay SFO2 Marlo Arisa Buranday, officer-in-charge ng Fire Marshal ng San Isidro Fire Station, nagmula ang apoy sa loob ng kuwarto ng biktima na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Kuwento ng kaanak, tuwing umaatake ang sakit ng biktima ay naglalaro ito ng posporo sa kanyang kuwarto na tinuturong dahilan ng sunog.

Dahil yari sa light materials ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang katabing dalawang bahay.

Naapula ito nang nagrespondeng mga bumbero ngunit tuluyang naabo ang tatlong bahay at pagkaraan ay natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima

Tinatayang P3.5 milyon ang halaga ng mga ari-arian tinupok ng apoy. (ANNIE PINEDA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment