LONG-DISTANCE MOUNTAIN TUNNEL ITATAYO SA DAVAO CITY

0

DAVAO CITY – Uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggawa ng pinakaunang long-distance mountain tunnel sa buong bansa.

Ang proyekto ay may layong 2.3 kilometers na unang gagawin sa unang bahagi ng 10.7-kilometer segment sa Davao City Bypass Road Project.

Sa impormasyong ipinalabas ng Japan International Cooperation Agency (JICA), napag-alaman na nilagdaan na ang kontrata sa pagitan ng DPWH at joint venture ng Shimizu Corporation, Ulticon Builders, Inc., at Takenaka Civil Engineering & Construction Co. Ltd.

Inilarawan na ang proyekto ay kumokonekta sa Sirawan, Davao City at J.P. Laurel sa Panabo City, Davao del Norte, na inaasahang magpapaigsi sa oras ng pagbyahe mula sa halos dalawang oras patungo sa 49 minuto na lamang.

Sa datos ng DPWH, ang unang segment (package I-1) na ilalagay sa 45.5-kilometer bypass road project, ay nagkakahalaga ng P13.230 bilyon at inaasahang matatapos sa loob ng tatlong taon.

Habang ang buong bypass road project ay hahatiin sa package I-1 (10.7 km), package I-2 (12.8 km), package I-3 (6.1 km), package II-1 (2.7 km), package II-2 (3.5 km), at package II-3 (9.7 km). (DONDON DINOY)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment