MAG-ASAWANG DINUKOT PINATAY

BUKIDNON – Natagpuang tadtad ng saksak ang isang mag-asawang dinukot ng hindi kilalang mga suspek, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Wilfredo at Mary Grace Amarillo, kapwa residente ng Brgy. Lilingayon, Valencia City, Bukidnon.

Batay sa report ng ni Quezon Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa madamong bahagi ng San Jose, Quezon, Bukidnon.

Nadiskubreng tadtad ng tama ng bala mula hindi pa mabatid na kalibre ng baril si Wilfredo habang tadtad ng saksak si Mary Grace.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo sa pagpatay at pagkakakilanlan ng mga suspek. (ANNIE PINEDA)

178

Related posts

Leave a Comment