MAGKATABING BOTIKA, MINI MART SINALAKAY NG MAGNANAKAW

0

LAGUNA – Gayun na lamang ang panlulumo ng dalawang negosyante nang matuklasan ang pagnanakaw sa kanilang tindahan ng mga hindi pa nakilalang lalaki sa Barangay Makiling, Calamba City kahapon.

Lumitaw sa ulat ng pulisya na unang natuklasan ng may-ari ng Korean mini mart ang pagnanakaw at nang mag-usisa sa katabing drug store ay nalaman nilang nilimas din ito ng mga salarin.

Ayon sa Calamba City Police Station, ang pangyayari ay iniulat sa kanila ng may-ari ng drug store na si John Carlos Francisco Mamaril, 24-anyos, taga-Sta. Rosa City.

Una umanong nalaman ni Marilou de Guzman, 45, na pinasok ng magnanakaw ang kanyang mini mart nang magbukas siya noong Biyernes ng alas -7:00 ng umaga. Agad niyang tinawagan si Mamaril at nang magbukas din ito ay natuklasan nilang kapwa sila nabiktima.

Wasak umano ang roll up gate ng mini mart na nagawang sirain ng mga magnanakaw nang walang nakapansin dahil walang security guard ang establisimyento.

Pinag-aaralan na ng Calamba CPS ang mga kuha sa CCTV upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin. (CYRILL QUILO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment