MAGSASAKA TODAS SA UTOL NA SEKYU

QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos na barilin ng kanyang nakababatang kapatid na security guard habang nag-iinuman sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Benerando Capina Sendon, 52-anyos, habang ang suspek ay ang kapatid nito sa ina na si Roderick Capina Cueto, 50-anyos.

Batay sa report, bandang alas-10:30 ng gabi, nag-iinuman ang magkapatid sa bahay ng biktima nang magkaroon ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Umuwi sa kanilang ang bahay ang suspek ngunit agad bumalik na armado ng maiksing baril saka walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Dead on the spot ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong murder laban sa tinutugis na suspek. (NILOU DEL CARMEN)

57

Related posts

Leave a Comment