Makaraang awayin si misis MISTER PATAY SA PAMAMARIL

LAGUNA – Palaisipan sa pulisya kung sino ang bumaril at nakapatay sa isang lalaki makaraang makipag-away sa kanyang misis sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Gerardo Dela Cruz, 35-anyos, residente ng Sitio Kasaka Hardinan, Barangay Lamot 2 sa nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Calauan police, dakong alas-11:00 noong  Biyernes ng gabi nang i-report ng kapatid nito na si Felipe Dela Cruz  na may bumaril sa biktima habang sila ay nag-iinuman
kasama ang kanilang tiyuhin na si Gelom dela Cruz sa loob ng kanilang bahay dakong alas-7:45 ng gabi.

Ayon kay Felipe, sumalo ang kanyang kapatid sa inuman matapos makipag-away ang biktima sa misis nito sa kanilang bahay, 30 metro ang layo.

Bigla na lamang umanong may pumutok mula kung saan at bumulagta ang biktima.

Ngunit ayon kay P/SSgt. Mervin Bondad, imbestigador sa kaso, nang dumating sila sa crime scene, natuklasan nilang wala na sa orihinal na pwesto ang bangkay at nalinis na rin ang pinag-inuman.

Nalaman din sa imbestigasyon na selos ang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa dahil sa hinala ng biktima na may relasyon ang kapatid at kanyang misis.

Patuloy ang imbestigasyon at pinag-aaralan ng pulisya ang iba’t ibang anggulo hinggil sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)

100

Related posts

Leave a Comment