MALAYSIAN KIDNAP VICTIM NAMATAY SA ZAMBO

zambo
0

NAMATAY na ang Malaysian kidnap victim na nailigtas sa kamay ng komunistang Abu Sayyaf, ayon sa military.

Si Jari Bin Abdullah, nailigtas noong April 4 sa Simusa Island, Sulu, ay namatay sa Zamboanga City noong Martes, ayon sa Western Mindanao Command.

Sinabi sa report na sa kasagsagan ng putukan sa pagitan ng Abu Sayyaf at militar ay tinangkang tumakas ni Abdullah ngunit nakita siya ng isang miyembro ng Abu Sayyaf kaya’t binaril ito.

Namatay si Abdullah sa harap ng kanyang pamilya, Malaysian Consul General at mga opisyal ng International Monitoring Team.

Pumirma rin ang pamilya ni Abdullah ng waiver para tanggalin ang kanyang life support, ayon pa sa WesMinCom.

Samantala, pormal namang nailipat ang Indonesian na bihag na si Heri Ardiansyah sa Indonesian officials sa Maynila nitong Martes ng hapon. Si Ardiansyah ay na-rescue ng militar sa isang operasyon.

 

Related posts

Leave a Comment