MAYOR NG LIAN, BATANGAS PUMANAW SA COVID-19

PUMANAW ang alkalde ng Lian, Batangas matapos makipaglaban sa COVID-19.

Kinumpirma sa Facebook page ng Municipality of Lian, Batangas na sumakabilangbuhay noong Sabado ng gabi si Mayor Isagani Bolompo habang nakaratay sa Lung Center, Quezon City.

Ayon sa impormasyon, si Balopo na isa ring doktor, ay unang isinugod noong October 17 sa Western Medical Center sa bayan ng Balayan nang makaranas ito ng sintomas ng COVID-19.

Matapos sumailalim sa swab test, nagpositibo ito kaya agad ding inilipat sa Lung Center.

Dakong alas-10:30, Sabado ng gabi nang ihayag ng kanyang doctor na pumanaw na ang alkalde. (NILOU DEL CARMEN)

63

Related posts

Leave a Comment