MISIS PINAGSASAKSAK, MISTER NAGBIGTI RELASYON TINAPOS SA MURDER-SUICIDE

ILOCOS Sur – Pinagsasaksak hanggang mamatay ang isang ginang ng kanyang mister at pagkaraan ay nagbigti ang huli, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mag-asawang sina Bernadette Gampew Soriano, 36-anyos, at Raymond Ganacias Soriano, 35-anyos, kapwa residente ng Barangay Salvador 2nd, Candon City, Ilocos Sur.

Batay sa report ng pulisya, natagpuan na lamang sa kanilang bahay ang ginang na walang buhay at tadtad ng saksak habang habang nakabigti naman ang kanyang mister.

Kuwento ng kapitbahay na si Melanie Gabayan, tumungo pa sa kanilang bahay si Raymond at humiram ng kutsilyo, makalipas ang ilang minuto, narinig na lamang niya si Bernadette na nagsisigaw at humihingi ng tulong.

Sinilip niya ang bahay ng mag-asawa at nakita niyang pinagsasaksak ni Raymond ang kanyang misis dahilan para humingi siya ng tulong sa mga awtoridad.

Pagdating ng mga pulis, natagpuan nilang duguan si Bernadette habang nakabigti si Raymond.

Kaagad dinala sa Candon General Hospital ang mag-asawa ngunit idineklarang patay na ng mga doktor.

Napag-alaman, madalas na naririnig na nag-aaway ang mag-asawa dahil umano sa selos. (ANNIE PINEDA)

 

69

Related posts

Leave a Comment