MIYEMBRO NG DRUG GROUP PATAY SA SHOOTOUT

0

CAVITE – Patay ang isang ang isang miyembro umano ng Villar drug group at itinuturing na no. 2 most wanted person, nang nanlaban sa mga awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa bayan ng Naic.

Kinilala ang napatay na si Ricky Caponpon, alyas “Ricky,” 32, ng Brgy. Timalan, Concepcion, Naic.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Richard Atienza ng Naic Police Station, dakong alas-9:45 noong Martes ng umaga nang isilbi ng mga operatiba ng Naic MPS ang warrant of arrest sa suspek sa kanyang bahay sa Brgy Timalan, Concepcion, Naic, sa kasong robbery with violence o Intimidation of persons, robbery in an inhabited house or public building or edifice devoted to worship.

Ngunit imbes na tumalima, pumalag ang suspek at nagpaputok ng baril. Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Ayon sa record ng pulisya, ang suspek ay miyembro ng Villar drug group na nag-o-operate sa naturang bayan at no. 2 most wanted person (MWP) sa nasabing pulisya. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment