MULTI-MILLION INVESTMENT SCAMMER ARESTADO SA BULACAN

MALOLOS CITY – Arestado ang 29-anyos na multi-million investment scammer sa mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Pagala Baliuag, Bulacan nitong Lunes.

Kinilala ni PCol Lawrence Cajipe, director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang inarestong suspek na si Ma. Lea Ulang, 29, dalaga, businesswoman at residente ng Barangay Layunan, Binangonan, Rizal.

Base sa report ni PMaj Jansky Andrew Jaafar, Bulacan Intelligence chief, nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Mario B Capelan of RTC Malolos City, Branch 1 sa kasong Estafa na may petsang August, 2020.

Nabatid na isa sa mga nabiktima na kinilalang si Rosemarie Guerero, ay agad nagtungo sa nasabing tanggapan ng pulisya makaraang makita sa Facebook ang pagkakaaresto sa suspek.

Ayon sa biktima, siya at ilan pang personalidad ay hinikayat ng suspek na mag-invest ng malaking halaga kapalit ng malaking kikitain ngunit isa pala itong scam.

Mahigit Php 13,000,000.00 cash ang natangay umano ng suspek sa mga biktima.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa PIU, Bulacan PPO habang inihahanda ang karagdagang kasong isasampa rito mula sa iba pang mga sumipot na nabiktima nito.

“We will be filing air tight case against the suspect and make sure that she will be put behind bars and justice is serve to her victims,” ayon kay Col. Cajipe. (ELOISA SILVERIO)

74

Related posts

Leave a Comment