Naghatid ng ayuda sa mga residente REMOTE BARANGAYS PINASOK NG ARMY

INAYUDAHAN ng Philippine Army ang lokal na pamahalaan ng Rizal, Nueva Ecija, sa pamumuno ni Mayor Hannah Katrina Andres, para marating ang malalayong barangay  upang maihatid ang tulong na pagkain sa mahigit 17,700 pamilya.
Pinangunahan ng 84th Infantry (Victorious) Battalion ng 7th Infantry “Kaugnay” Division ang isinagawang relief operation para maihatid ang relief goods nang ligtas at walang peligro mula sa makakaliwag hanay.

Ayon sa lokal na administrador ng Rizal na si Mr. Lito Andres, apat na araw ang kanilang iuukol simula Abril 2, sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilya sa bayan ng Rizal.

Kabilang sa relief goods ang bigas, sari-saring delata at isang buong manok na ipinamahagi sa mamamayan ng Rizal, Nueva Ecija.

Labis namang nagpapasalamat si Mayor Andres kay Lt. Col. Honorato Pascual Jr., commanding officer ng 84IB, sa pagtulong upang maihatid ang relief goods sa mga taga Rizal. (JESSE KABEL)

122

Related posts

Leave a Comment