Nagkainitan sa trapiko DRIVER BINARIL NG PULIS

0

CAVITE – Sugatan ang isang 37-anyos na lalaki nang barilin ng isang pulis na nakatalaga sa Western Mindanao, nang nagkainitan matapos sitahin ng huli ang estilo ng pagmamaneho ng biktima sa Gen. Trias City sa lalawigang ito.

Nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias City Hospital ang biktimang si Romeo Saul Jr. habang kinilala naman ang pulis na si P/CMSgt. Homer Subagan Arcano Jr., nakatalaga sa DIPO Western Mindanao.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City Police, dakong alas-4:50 noong Sabado ng hapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng C.M. Delos Santos Ave. sa nasabing lungsod.

Kapwa binabagtas ng dalawa ang lugar patungo sa direksiyon ng Manggahan. Ang biktima ay sakay ng kanyang Honda BR-V na may sticker na G2 E311, habang ang pulis ay lulan ng kanyang motorsiklong Honda.

Napansin ng pulis ang tila mapang-asar na estilo ng pagmamaneho ng biktima kaya binusinahan nito upang tawagin ang atensiyon ang driver ngunit pinahinto ng biktima ang kanyang sasakyan saka nag-U-turn at hinarap ang pulis.

Nakaramdam ng panganib ang pulis nang buksan ng biktima ang bintanang salamin ng kanyang kotse kaya pinaputukan niya ito. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment