Nanagasa ng 9 sasakyan 2 PATAY, 15 SUGATAN SA TRUCK

0

QUEZON – Dalawa ang patay habang umabot sa 15 ang sugatan sa nangyaring aksidente na kinasangkutan ng isang truck na nawalan ng preno at 9 na iba pang mga sasakyan sa Tayabas City proper nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report ng Tayabas City Police, binawian ng buhay ang driver at pahinante ng truck makaraang banggain ang siyam na sasakyan at dalawang bahay.

Kinilala ang mga biktimang sina Jeffrey Melchor Ferreras, 31, truck driver, taga Concepcion, Tarlac, at Jonathan Bacximen Simballa, 44, pahinante, taga Binondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon, patungo sa direksyon ng city proper ang Elf Forward truck na minamaneho ni Ferreras at tinatahak ang palusong na kalsada ng Quezon Ave. sa Brgy. Lalo nang mawalan ito ng preno.

Unang nasalpok nito ang sinunsundang isa pang elf truck na sa lakas ng pagkasalpok ay naisulong at tumilapon sa isang bahay sa gilid ng highway.

Nagpatuloy sa pagtakbo ang humahagibis na truck sa gitna ng busy street at umabot sa lugar na sakop ng Angeles Z-1, at binangga ang iba pang mga sasakyan na kinabibilangan ng limang tricycle, dalawang motorsiklo, at dalawang kotse, bago tuluyang sumalpok sa isa pang bahay.

Sugatang ang lahat ng siyam na driver ng binanggang mga sasakyan at ang isa mga pasahero ng isang tricycle at pahinante ng unang sinalpok na truck.

Sugatan din ang isa pang pahinante ng truck na nawalan ng preno, ang mga residente sa huling bahay na sinalpok, na kinabibilangan ng isang 12-anyos na batang lalaki.

Isingod sa iba’t ibang pagamutan sa Tayabas City at sa Lucena City ang mga nasugatan. (NILOU DEL CARMEN)


 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment