P345K HALAGA NG MGA TINALI NG VICE MAYOR, DINUGAS SA FARM

NASA 23 na sasabunging manok na pag-aari ng isang vice mayor sa Cebu ang ninakaw sa farm nito sa Brgy. San Francisco, Sto. Tomas City, Batangas.

Huwebes ng umaga nang madiskubre ng handler ng EA Diamond Dragon Farm na pag-aari ni Tuburan, Cebu Vice Mayor Aljun Diamante na nawawala ang mga sasabungin.

Tinatayang nasa P345,000.00 ang halaga ng mga nawalang manok.

Batay sa imbestigasyon ng Sto. Tomas City police, nagawang makapasok ng mga salarin matapos gupitin ang isang bahagi ng barbed wire na nakabakod sa farm.

Ayon sa pulisya, isang nagngangalang Edwin, alyas Toto na dating trabahador sa farm ang hinihinalang nagnakaw sa mga manok dahil dalawang araw bago ang nakawan ay pumunta pa  ito sa

naturang farm kasama ang ilang kalalakihan upang kunin umano ang isang sasabungin na pag-aari nito na naiwan niya doon.

Patuloy pa ang imbestigasyon at hinahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment