PDEA AGENT TINAGA SA AWAY SA BASURA

LAGUNA – Arestado ang isang 74-anyos na lola matapos tagain nito ang kapitbahay na babaeng PDEA agent sa Calamba City noong Linggo ng umaga.

Batay sa report ng Calamba City Police, nagdidilig ng halaman sa harap ng kanyang bahay sa Casa Laguerta, Barangay Laguerta, ang biktimang si Ma. Glovie Allado Angelias, 40, PDEA agent, nakatalaga sa PDEA PRO4A, nang bigla itong tagain ng kanyang kapitbahay na si Thelma Salazar Matibag na armado ng itak at kutsilyo.

Agad namang naawat ng mister ng biktima na isa ring PDEA agent, ang lola. Ang biktima ay tinamaan ng mga taga sa kamay at likod.

Ayon kay PSSgt. Jhon Kevin Villarino, imbestigador ng kaso, matagal nang may samaan ng loob ang dalawa dahil sa inirereklamo ng suspek na mga kalat ng basura sa kanilang compound na ibinibintang sa biktima.

Ilang beses na ring nag-away ang dalawa at may nakabinbin pang usapin sa barangay.

Nahaharap ang suspek sa kasongg physical injuries at frustrated homicide. (NILOU DEL CARMEN)

73

Related posts

Leave a Comment