PTA PREXY ITINUMBA

COTABATO – Patay ang isang pangulo ng Parents and Teachers Associaton (PTA) matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa sakahan, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Armando Asab, PTA president ng Manaulanan Central School at residente ng Barangay Manaulanan, Pikit, North Cotabato.

Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang biktima sa sakahan sa nasabing lugar nang bigla itong pagbababarilin ng mga suspek gamit ang .45 pistol at M16 Armalite rifles.

Napag-alaman, sumabak sa pulitika si Asab na tumakbong punong barangay sa nakalipas na barangay elections.

Hinala ng mga awtoridad, away-pamilya ang isa sa posibleng motibo sa krimen.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. ( ANNIE PINEDA)

 

54

Related posts

Leave a Comment