RAPE-SLAY VICTIM PINAKAIN NG UNDERWEAR

MISAMIS Oriental – Hinihinalang ginahasa bago pinatay ang isang babae na natagpuan ng mga pulis sa abandonadong bahay sa Brgy. Natumulan sa bayan ng Tagoloan sa lalawigang ito.

Ayon sa imbestigasyon, inabutan ng mga pulis na walang saplot pang-ibaba at may busal na underwear sa bibig ang biktimang wala nang buhay.

Nauna rito, sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng sumbong mula sa basurerong si Julimer Jabagat na may nakita siyang bangkay sa abandonadong bahay na iniimbakan niya ng kanyang mga kalakal.

Ayon kay P/Lt. Romeo Adlaon, team leeader ng SOCO 10, nakitaan ang biktima ng sugat sa leeg na pinaniniwalaang sinasak ng basag na salamin.

Posible umanong ginahasa ang biktima kaya dapat ay isailalim  sa autopsy.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis ang huling kasama ng biktima. (KIKO CUETO)

 

149

Related posts

Leave a Comment