RENT-A-CAR CARNAP MODUS SABLAY SA SASAKYAN NA MAY GPS

HINDI nakalusot ang tangkang pangangarnap ng isang sasakyang inarkila mula sa isang car-rental business as bayan ng San Antonio sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Mahigit isang buwan na ang nakakaraan nang arkilahin umano ng isang nagpakilalang Edna Francisco Guevarra ng Caloocan City at isa pang hindi nakilala ang SUV na pag-aari ni Albert Viesca Pallarca.

Makalipas ang takdang panahong nakasaad sa kasunduan, hindi na aniya isinauli ni Francisco ang nirentahan sasakyan, dahilan para idinulog niya sa pulisya ang insidente.

Gamit ang GPS tracker na nakakabit sa kanyang SUV, natunton ang kinaroroonan ng sasakyan, subalit hindi na inabutan pa ang pakay ng operasyon.

Inabutang abandonado na ang nawawalang sasakyan sa isang bakanteng lote sa Town and Country Executive Village, sa Antipolo City.

Ayon sa awtoridad, karaniwan ng modus ng mga karnaper ang magkunwari at mamuhunan ng kaunti sa pag-arkila ng mga sasakyan gamit ang iba’t ibang pangalan at address. (KNOTS ALFORTE)

105

Related posts

Leave a Comment