RIDER PATAY, 3 SUGATAN SA KURBADA

QUEZON – Patay ang isang 22-anyos na binatang rider nang ang sinasakyan nito at ng kanyang nobya ay masalpok ng kasalubong na motorsiklong nawalan ng kontrol sa matalim na kurbada sa bayan ng Real sa lalawigang ito, alas-2:00 ng hapon noong Linggo.

Idineklarang dead on arrival sa Claro M. Recto Hospital sa bayan ng Infanta, ang biktimang si Darrel Dave Castillo, habang sugatan ang angkas nitong girlfriend na si Mary Joy Villaflor Rañosa.

Nag-joyride lamang ang magkasintahan at pauwi na sa Laguna mula sa pamamasyal sa Real-Mauban road.

Batay sa report ng Real Police, dahil mabilis ang takbo, nag-over-shoot sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Malapad ang motorsiklong minamaneho ng 18-anyos na si Rogelio Rapayas Morales, residente ng Taguig City, kaya nasalpok ang mga biktima.

Sugatan din ang angkas ni Morales na si John Michael Jimenez Frades, 24-anyos.

Isinugod ang mga sugatan sa ospital habang inaresto ng mga pulis ang nakabanggang driver na napag-alamang walang driver’s license. (NILOU DEL CARMEN)

56

Related posts

Leave a Comment