SANGGOL ITINAPON SA BASURAHAN

laguna – isang bagong silang na lalaking sanggol ang inabandona ng isang hindi kilalang babae sa tambakan ng basura sa gilid ng maliit na kalsada sa brgy. poblacion, biñan city sa lalawigang ito, noong martes ng madaling araw.

nadiskubre ng mga basurero ang sanggol na nakakabit pa ang inunan, sa loob ng isang eco bag na iniwan sa basurahan pasado alas-6:00 ng umaga.

agad itong sinagip ng mga opisyal ng barangay at ng mga kawani ng cwsd ng biñan city.

nakita sa cctv ng barangay ang pag-iwan dito ng isang middle aged na babae na nakasuot ng puting long sleeve dakong alas-4:30 ng madaling araw.

iniwan ng babae ang eco bag sa pagitan ng nakaparadang suv at tambakan na basura.

pagkaraan, hinubad ng babae ang suot na long sleeve bago itinali sa beywang at saka naglakad papalayo.

ayon sa mga barangay official ng poblacion, hindi taga roon sa kanilang barangay ang babae at posibleng nagmula ito sa kalapit nilang barangay ng dela paz at  san jose.

nasa kustodiya na ng cswd ang sanggol na nasa ligtas nang kalagayan. (nilou del carmen)

 

 

64

Related posts

Leave a Comment