SOLID WASTE COMPANY IPINASARA NG MONTALBAN LGU

0

INISYUHAN ni Rodriguez, Rizal Municipal Mayor Dennis Hernandez ng Cease and Desist Order ang Greenleap Solid Waste Management, Inc. matapos ireklamo ng komunidad, mga lider Muslim at ang National Commission on Muslim Filipino.

Nakarating sa kaalaman ng Department of the Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources at Montalban LGU ang reklamo hinggil sa umano’y paghuhukay sa lugar na apektado ang Muslim Cemetery.

Kasunod ng CDO ay inatasan ni Mayor Hernandez ang kumpanya na sagutin ang mga rekamo at magpanukala ng mga solusyon bago niya alisin o bawiin ang kautusan.

Ikinatuwa naman ng NCMF at ni Secretary Saidamen B. Pangarungan ang mabilis na aksyon ni Mayor Hernandez kaya ibinalita nito sa Muslim Filipino community na ang digging activities na apektado ang Montalban Muslim Cemetery ay pansamantalang sinuspinde ng alkalde.

Samantala, agad namang nasibak sa tungkulin ang dalawang caretaker ng sementeryo bunsod ng ulat na “poor performance” umano ng mga ito.

“The Muslim community of Montalban thank all those who immediately responded to the public’s outcry, especially Mayor Dennis Hernandez. Alhamdullilah!”, anang Public Relations and Information Division Bureau of External Relations-NCMF sa kanilang post sa Facebook. (DAVE MEDINA)

Related posts

Leave a Comment