TANDEM BULAGTA SA ENGKWENTRO

LAGUNA – Patay ang dalawang hindi kilalang lalaking magka-angkas sa motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga miyembro ng Highway Patrol Group at SWAT team ng Biñan City PNP sa ikinasang Oplan Sita nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa Biñan City Police, nangyari ang engkwentro sa Langkiwa-Timbao Road, sakop ng Barangay Langkiwa dakong alas-3:25 ng madaling araw.

Batay sa report, pinara ng mga tauhan ng HPG at SWAT team ang motorsiklong sinasakyan ng tatlong suspek ngunit sa halip na tumigil ay tumalon ang dalawang backrider at pinaputukan ang mga awtoridad.

Nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay ng dalawang suspek.

Tumakas naman ang nagmamaneho ng motorsiklo.

Inalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay at kung anong grupo kabilang ang mga ito. (NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment