TELLER BUKING SA MALAKING PUSTA SA ONLINE GAMING

CAVITE – Arestado ang isang empleyado ng isang Online Gaming matapos na siya mismo ang nagpasok ng malaking pusta sa kanilang system sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Kasong estafa ang kinahaharap ng suspek na si Kyle Iverson Pineda, 22, binata, teller ng CV21 M.S. Ponsones Online Gaming Place, dahil sa reklamo ni Katrina Santos, 35, supervisor ng nasabing Online Gaming, GMA branch, na matatagpuan sa Brgy. Granados, GMA, Cavite.

Ayon sa report ni P/SSgt. Dann Czar Rosales ng GMA Police Station, ipinag-utos ng main operator ng Gaming Place kay Katrina na alamin kung sinong gamer ang nagpasok ng malaking halaga ng pusta sa kanilang system na umaabot sa halagang P209,000.

Sa pagbeberipika ni Santos, natukoy na isa sa kanilang teller ang nagmanipula habang inamin ni Pineda na nagkunwari siyang may malaking credit na halagang P209,000,00 o kabuuang limang pusta na ipinasok sa kanilang system.

Narekober sa suspek ang ang limang betting ticket nang arestuhin ito dakong alas-7:30 noong Biyernes ng gabi. (SIGFRED ADSUARA)

93

Related posts

Leave a Comment