TRAINING PLANE BUMAGSAK SA TARLAC

cessna12

(NI FROILAN MORALLOS)

ISANG training plane ang napaulat ng Civl Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nag-crash sa madamong lugar sa lalawigan ng Tarlac.

Ayon sa nakarating na impormasyon  sa opisina ng CAAP nangyari ang insidente  bandang alas-9:44 ng umaga habang pabalik sa Clark International Airport.

Ang sinasabing trainer plane ay C172 type aircraft  at pag-aari ng  Alpha Aviation , na mayroon registry number RP-C3567.

Nakilala ang piloto na si Capt.Irineo Manguba, at nabatid na nag-request itong si Capt. Manguba ng emergency landing dahil sa engine failure ngunit bigla itong nawalan ng kontak sa Clark tower.

Kinilala naman ang student pilot na kasama ni Capt. Manguba na si Jeny Jerome isang Indian national .

Agad naman nag-dispatch ng mga tauhan ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ,Philippine Air Force (PAF), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Alpha Aviation, at maging ang mga taga Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) sa pinagyarihan.

Habang isinusulat ang balitang ito wala pang impormasyon sa mga kalagayan nina  Capt. Manguba at ang kanyang student pilot na si Jerome .

 

80

Related posts

Leave a Comment