Utol naka-eskapo GUNRUNNER ARESTADO SA BATANGAS

0

BATANGAS – Arestado ang isang hinihinalang gun runner habang nakatakas ang kapatid nito makaraang makumpiskahan ng iba’t ibang klase ng armas sa bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, nitong Lunes.

Ayon sa ulat kay P/Col. Rex Arvin Malimban, provincial director ng Batangas, ni P/Maj. Rix Villareal, hepe ng Intelligence Unit, kinilala ang nadakip na si Florante Gupit Rocio alyas “Popong” habang nakatakas si Eleazar Gupit Rocio, parehong residente ng Barangay Pangao, Ibaan Batangas.

Ayon sa ulat, nagpalabas si Hon. Shy Marie Sandoval, acting Presiding Judge ng Municipal Trial Court ng Ibaan, Batangas, ng search warrant hinggil sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa mga suspek.

Agad sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng PIU-Batangas PPO, OPD- DEU, SWAT 1st BPFMC, CIDG Batangas, RSOU – RID4-A at Ibaan MPS bandang alas 10:30 ng umaga noong Sabado, ang bahay ni Florante at nakumpiska ang (1) rifle bag na asul, (1) cal. 5.56 Colt M16 rifle with serial number 9000409, (1) short magazine ng M16 rifle, (20) live ammos, (2) ling magazines ng M16 rifle, (1) rifle bag na itim, (1) cal. 5.56 bushmaster with serial number SH1231174, (1) magazine Colt cal. 45 pistol, (8) live ammos ng Colt caliber 45 pistol, (1) Ruger cal. 40 pistol with serial no. 348-72968, (19) live ammos para sa cal. 40 pistol, (1) itim na CZ pistol na may (1)( CZ Shadow, (2) cal. 9mm pistol na may serial No.C983423, at (1) magazine ng cal.9mm pistol CZ Shadow.

Kasunod nito, mabilis namang pinuntahan ng mga operatiba ang bahay ni Eleazar ngunit agad itong nakatakas.

Nakuha naman sa bahay nito ang (1) US Carbrine cal. 30 M2 with serial No.7161843, (1) magazine para sa US Carbrine cal. 30 M2, (8) live ammos ng cal. 30, (1) magazine ng cal. 9mm, (6) live ammos ng cal. 9mm, (1) itim na magazine pouch para sa 9mm magazine at (1) stainless magazine ng cal. 9mm. (CYRILL QUILO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment