AFTER JAMES KAKALAS NA RIN BA SI NADINE SA VIVA?

(NI ASTER AMOYO)

HUMUPA na ang isyung Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto at maging ang John Lloyd Cruz-Ellen Adarna hiwalayan ay pasulput-sulpot na lang.

Ang tila mainit ngayon ay ang pagkalas ni James Reid sa kanyang home studio of five years, ang Viva Artists Agency (VAA).

Sinubukan naming kunin ang panig ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario pero hindi muna ito nagbigay ng komento. Pero maglalabas daw sila ng official statement one of these days.

Naging big winner man ng “Pinoy Big Brother: Teen Clash” in 2010 si James, hindi nagtuluy-tuloy ang kanyang pagsikat until Viva took him in noong 2014.  Una siyang ipinareha kay Nadine Lustre sa pelikulang Diary Ng Panget na naging box office hit.  Ito’y sinundan ng isa pang box office hit movie na Talk Balk And You’re Dead at kasunod na nito ang kanilang hit primetime TV series na “On the Wings of Love” in 2016 na sinundan ng “Till I Met You” the following year.

Naging in-demand din ang dalawa sa mga product endorsements, recorded successful albums and two major concerts sa Big Dome (Araneta Coliseum) in 2016 and 2018 na pinagtambalan din nila ni Nadine na naging kasintahan niya in February 2016 which he announced sa kanilang Jadine: In Love sold-out concert sa Araneta Coliseum.

Tapos ay binigyan sila ng Viva ng magkahiwalay na projects.  The two had had their hit movie together nung isang taon, ang Never Not Love You na dinirek ni Antoinette Jadaone na nagbigay ng tatlong best actress awards kay Nadine mula sa magkakaibang award-giving bodies.

In February last year, binuo ni James ang sarili niyang music company, ang Careless Music at dito na siya halos nag-focus ng kanyang attention.  Dapat sana’y sisimulan niya nung isang taon ang pagbibida sa pelikulang Pedro Penduko, pero ito’y naurong nang naurong hanggang umatras na siya rito noong Mayo.

Liban sa pagiging isa sa mga hurado ng nagtapos na unang season ng “Idol Philippines,” mas nakatuon ang pansin ni James sa kanyang music label.  Hindi man nagsasalita si Boss Vic del Rosario ng Viva, may suspetsa kami na may kinalaman ito sa kanyang pagkalas sa bakuran ng Viva at ang kanyang Australian dad na lamang umano ang mamamahala sa kanyang career.

Boss Vic is a man of few words, hindi ito magsasalita ng anything against anyone lalo na sa kanyang naging “anak-anakan” sa Viva.

Since magkasintahan sina James at Nadine Lustre, may posibilidad na sumunod ang singer-actress-dancer sa ginawa ng kanyang nobyo lalo pa’t malakas ang impluwensya ni James dito.

This year ay walang pelikula o teleserye na ginawa si James – solo man o kasama si Nadine – dahil mas gusto raw nitong mag-focus sa kanyang Careless Music.

Noong isang taon ay nakadalawang movie si James, ang Never Not Love You nila ni Nadine at ang Miss Granny na pinagtambalan nila ni Sarah Geronimo.

 

77

Related posts

Leave a Comment