AFTER NEIL-ANGEL’S ENGAGEMENT, SINA LUIS AT JESSY NAMAN BA?

jessy m33

(NI LOURDES C. FABIAN)

MAGANDANG mag-buena mano ang film producer na si Neil Arce, ang fiancé ni Angel Locsin, dahil mukhang masusundan ang kanyang ginawang proposal lalo pa’t nagpapahiwatig na ang Kapamilya host/actor na si Luis Manzano sa kanyang girlfriend actress na si Jessy Mendiola – which sparked speculations na mukhang malapit na rin siyang mag-propose.

Special event para sa dalawa ang kanilang third anniversary as a couple. Kilig to the bones ang marami sa pangako ni Jessy that she will always be at Luis’ side and promises to take care of him. She also said that she will not get affected by negative comments.

“Hindi lang pangako. Gusto ko ring magpasalamat. Kasi ikaw ‘yung naging sandalan ko kapag nahihirapan na ako. Minsan kapag mahirap, palagi mo akong pinapatawa. Gusto ko lang magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko at importante ka sa buhay ko,” buong pagmamahal na pangako ni Jessy.

Para naman kay Luis, si Jessy ang strongest person na nakilala niya. Kaya naman ang pangako niya, he will be his girlfriend’s strength when her strength will falter.

“I promise to be there for you. I promise na I will try to make that beautiful lips or mouth smile everyday,” the game show host added.

He promised to love Jessy until that “very special day that we get to say two words and so much more after that.”

Hindi ba’t parang nagpapahiwatig na si Luis na si Jessy na talaga ang babaeng gusto niyang makasama and he is hinting about a proposal?

Sa Twitter, ipinarating ni Luis na na-misinterpret ang kanyang sinabi sa isang viral video kung saan hiningi ang kanyang reaksyon sa engagement ng dating girlfriend na si Angel kay Neil.

Inulan kasi ng matin-ding pambabatikos mula sa netizens si Luis.

Mabilis na sagot ni Luis, “Wala naman akong kinalaman sa kuwentong ‘yan kaya ‘wag na akong idamay. Hindi kailangan ng opinion o pangalan ko diyan. Basta wala akong kinalaman sa kuwentong ‘yan,” ulit niya.

True naman, wala siyang kinalaman at mas mabuti naman talagang hindi na siya mag-comment pa sa engagement nina Angel-Neil para hindi siya maakusahang nakikisawsaw sa isyu.

###

Sa isa sa mga video, ibinahagi ni Kris Aquino ang kanyang pag-aalangan na tanggapin ang role sa isang horror movie ng Quantum Films na (K)ampon kasama si Derek Ramsay sa direksyon ni King Palisoc.

Ito ang entry ng film outfit sa Metro Manila Film Festival sa December.

Kaya naman ang tanong ng kanyang followers ay: Ito na ba ang tamang panahon para magbalik-pelikula si Kris dahil sa kondisyon ng kanyang kalusugan?

 

81

Related posts

Leave a Comment