AI-AI DELAS ALAS GUSTONG MAGBUNTIS SA 2020

AIAI123

PINAPLANONG  magbuntis ni Ai-Ai delas Alas pagdating ng January 2020.

At dahil 54 years old na ang komedyana, marami ang nagsabing imposible ito nang unang binanggit niya ito noong 2018 pa. “Normal muna, pag hindi kinaya, eh, di IVF,” aniya. Ang tinutukoy niya ay ang ‘in vitro fertilization,’ kung saan pini-fertilize ng sperm ang egg sa labas ng katawan. Sa mga nagsasabing hindi ito posible, ito ang reaksyon ni Ai-Ai: “Ano bang paki nila, eh, hindi naman sila ang magbubuntis. Huwag nang pansinin ‘yung mga ganyan. Basta ako, paghahandaan ko na lang.”

Kasama sa paghahanda niya ay ang pagdyi-gym three times a week. “Super nag-dyi-gym ako talaga. Pinapalakas yung back ko kasi para ‘pag nagbuntis ako, hindi ako mahihirapan.”

76

Related posts

Leave a Comment