ALDEN MARAMING GUSTONG IKUWENTO SA YUMAONG INA

alden 12

(NI REY PUMALOY)

INANTIG  ni Alden Richards ang puso ng kanyang mga followers sa Mother’s day greeting message nito para sa kanyang ina sa posting nito sa Instagram niya.

Makikita sa IG wall ng Kapuso star ang silhoutte pic nito na nakaupo at nakatingin sa kawalan.

Sa message caption, nagpahayag ng pagkasabik ni Alden sa ina na yumao na.

Sabi ni Alden sa mensahe, marami s’yang gustong ikuwento sa ina.

Naiintindihan ng netizen o followers ni Alden ang mensahe dahil sa sunud-sunod na tagumpay nito sa kanyang karera. Ang latest ay ang team-up n’ya with Kathryn Bernardo.

Gustong ikuwento ni Alden ang lahat ng mga achievements n’ya, pero wala na ang ina niya.

Simple ang mensahe ng aktor, pero punumpuno ito ng pag-ibig at pagmamahal at pangungulila.

Dahil dito napuno ng touching messages ang post ni Alden mula sa mga kasamahan niya sa showbiz na nagsasabing ramdam nila ang pagmamahal ng aktor sa kanyang ina.

###

Pinuri si Kobe Paras ng mga followers niya sa Mother’s Day message nito sa inang si Jackie Forster.

Sa Instagram post nito, makikita ang ilang photos at isang video na nagpapakita ng mga masasayang samahan nilang mag-ina.

Sa caption, sinabi ni Kobe na mahal na mahal niya ang ina at napakasuwerte nito sa pagkakaroon niya ng inang gaya niya. “Amazing woman” daw ito.

Dugtong pa ni Kobe sa kanyang mensahe, excited siya sa muli nilang pagkikita ng kanyang ina.

Mula nang magkitang muli sina Kobe at Jackie, hindi na naputol pa ang kanilang mother-child relationship.

Hindi naging problema o isyu kay Kobe ang maraming taon na hindi nila pagkikita.

Dahil sa punumpuno na pagmamahal sa ina, pinuri si Kobe ng netizens.

 

 

89

Related posts

Leave a Comment