ALESSANDRA DE ROSSI NA-SATISFY ANG GIGIL KAY PIOLO

rey pumaloy (NI REY PUMALOY)

NATUPAD ang pangarap ni Alessandra de Rossi na makatambal si Piolo Pascual, sa tagal na rin nitong panggigigil sa hunk actor.

Magkasama sa isang romantic-comedy film na Fuffy And Fream, na prinodyus mismo ni Piolo sa ilalim ng kanyang film outfit, ang “Spring Films”.

Naka-poste sa Instagram wall nina Piolo at Alessandra ang mga larawan nila na kuha sa shooting ng nasabing movie.

Base sa pinosteng larawan ni Alex (palayaw ni Alessandra), nakakaapat na araw na ang shoot nila ni Piolo sa nabanggit na project.

Umaapaw sa galak ang puso ni Alessandra dahil ilang beses niyang pinoste sa IG wall niya ang mala­king crush nito kay Piolo at kung paano siya kiligin nang minsang nakawan siya ng halik nito sa labi.

100

Related posts

Leave a Comment