ALEX GONZAGA KUMIKITA NG MILYONES BILANG VLOGGER

alexgonzaga12

SA kanyang pagba-vlog pa lang, lagpas 6 digits na ang kinita ni Alex Gonzaga.

Kung kukuwentahin, nasa milyon na ang kinita ng comedienne-TV host sa kanyang viral videos sa YouTube.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa “Inside the Cinema,” naitanong ni Kuya Boy ang tungkol dito.

Ito ang sagot ni Alex: “Here in the Philippines, I get ‘yung percentage sa ads na pumapasok sa akin. It can range from, mostly nag-6 digits talaga siya. Makikita mo kasi from the YouTubers na from small houses ngayon lumalaki na, from condo-apartment later on in life, lumalaki na. So depende ‘yun sa dami ng videos mo, sa dami ng views mo, so don pumapasok ‘yung pera sa’yo.

So kapag marami kang videos, marami kang views, mas maraming pumapasok na ads sa’yo so mas marami kang pagpipilian na videos,” pagpapaliwanag ni Alex.

99

Related posts

Leave a Comment