ANAK NI TIRSO CRUZ III PUMANAW NA

0

(By BEN BAÑARES)

Nagluluksa ang pamilyang Cruz ngayon sa pagpanaw kahapon ni Teejay (Tristan Jedidiah Cruz), o ang 37-year-old son nina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti Cruz, matapos makipaglaban sa lymphatic cancer.

Kinumpira ito ng younger brother ni Teejay na si Bodie sa kanyang Instagram post kahapon:

“Surely your goodness and love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the Lord forever.” (Psalm 23:6) The battle with cancer for the past 6 months was tough, but it was also a time we got to experience God’s love and faithfulness in abundance as a family. I am so grateful to the Lord for your life that was filled with passion, boldness and love. You desired nothing but to serve God and to glorify Him through dancing. Now, you will be able to do it free from sickness and pain, and in front of our Creator Himself — and you get to worship Him there forever. I love you, Kuya. Thank you to everyone who stood with us in prayer. Today, Kuya TJ has received the miracle of healing that we have believed God for. He is faithful.

Sa post ng beteranang talent manager na si Manay Lolit Solis, nakiramay siya sa pamilya Cruz:

“Na-sad naman ako sa news sa anak nila Tirso Cruz III at Lyn na si TJ, Salve. Sabi ni Dolor, lymphatic can-cer daw at kanina lang daw madaling araw bumigay ang panganay nila. Nakaka-sad talaga na iyon anak mo mauna sa iyo na kunin ni God. Ang bait-bait pa naman ng mga anak nila Tirso, sina Bodjie at Janine. Si TJ hindi pumasok ng showbiz. At in fairness ha, pag naghahanap kami ng tulong sa ospital siya ang nilalapitan namin. Tulad nila Tirso at Lyn ang mga anak nila, very friendly at magalang. Sana ma-overcome nila ang sadness na ito. We pray that God will welcome TJ, sana forever his memories, his happy ones will always be remembered. We pray for you TJ. We pray for Tirso and Lyn, for the Cruz family, we honor your sadness, we will always be praying for you. #lolitkulit#instatalk #71naako”

Ang aktres na Sunshine Cruz, pinsan ni Teejay, ang isa sa mga unang nakidalamhati sa socmed:  “Cousin Teejay Cruz. I will miss you. RIP. Love you. Heaven gained another angel,”

Noong 1990s ay naging parte ng Ang TV si Teejay.  Kasama rin siya sa cast ng 1995 movies na Eskapo at Rollerboys.

Si Teejay rin ang nagtaguyod ng “Spike for Hope,” ang volleyball tournament na naglalayong kumalap ng pondo para sa mga batang may malubhang sakit.

Matatandaang si Tirso (Pip) mismo ay nakipagbuno rin sa stage two lung cancer noong 2015. Pero na-pagwagian niya ito.

Related posts

Leave a Comment