ARCI MUÑOZ: ‘MALUNGKOT PALA ANG MAGING SINGLE!’

arci munoz12

WALANG  karelasyon ngayon si Arci Muñoz. Matatandaan na ang businessman na si Anthony Ng ang huling naging kasintahan ng aktres pero nagkahiwalay din ang dalawa noong isang taon.

Magkahalong emosyon daw ang nararamdaman ng dalaga ngayon sa pagiging isang single.

“Na-discover ko sa sarili ko na malungkot pala ang maging single, malungkot at saka masaya.   Sometimes iniisip mo you are looking for a companion, companionship. Parang paano kaya kung may boyfriend ako ngayon? Kasama ko siyang manood ng ‘Crash Landing On You,’ ‘yung mga trip kong gawin.  Pero at the same time ay masaya ako kasi I can spend more time with my family. Na-discover ko na ang dami ko pa palang gustong gawin sa buhay ko, na magagawa ko ngayon habang single ako,” paliwanag ni Arci.

Umaasa ang aktres na muling makakakilala ng isang lalaking magmamahal nang lubos sa kanya.

“Naisip ko rin na 31 (years old na ako), parang ngayon lang din yata ako ulit naging single nang ganito kahaba. Wala pa lang talaga na dumarating, wala pa rin si Mr. Right. Siguro by this time alam ko na naman na kung magbo-boyfriend ako ay sana naman ‘yun na ‘yon,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, kamakailan ay tinanggal na ang karakter ni Arci bilang si Betty sa teleseryeng ‘Pamilya Ko’.

Dahil sa pagkawala sa naturang serye ay nagkaroon ng mga bulung-bulungan na may attitude problem na diumano si Arci kaya tinanggal sa programa.

“Hindi, nag-usap kami talaga ng production. Love ko ‘yan, family ko ‘yan. Diyan ako nagsimula kina RSB (Ruel S. Bayani) unit. Kasi ang dami ko ring gustong gawin talaga na mga proyekto na hindi ko magagawa. Binigay nila sa akin, pinagbigyan nila ako. Kasi mayroon akong isang pelikula na gusto kong gawin, mga independent film na never ko pang nagawa sa buong buhay ko. So dalawang indie ‘yon na gustung-gusto kong gawin na nagkakaroon ng conflict sa schedule ko,” paglilinaw ng aktres.

 

165

Related posts

Leave a Comment