BASHERS NATAMEME SA KASEKSIHAN NI KC CONCEPCION

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

SA bagong pictorial ni KC Concepcion bilang first Pinay celebrity na ambassador ng Shiseido Cosmetics, tiyak na matatameme ang bashers at haters niya dahil slim na ulit ang figure ng dalaga!

Grabe ‘yung bashing na natamo ng mega daughter na pinagtripan ang kanyang pata at sinabihan pang mas mataba na siya compared sa kanyang Mommy Sharon.

Well, nakasama namin noon si KC sa “The Buzz” at kapag napapansin niyang medyo nagiging heavy siya ay mabilis naman itong magpapayat. Sino ba naman kasi ang hindi magge-gain ng weight, eh, hindi busy ang singer-actress sa kanyang showbiz career at ‘yung jewelry business naman niya ay sa online ibinebenta.

Sobrang wagas lang talaga kung makapanlait ang bashers ni KC na inggit lang siguro sa bonggang lifestyle nito at marami pang investments.

Yes, maliban sa property sa Palawan at negosyo ay may sariling unit si KC sa kilalang hotel sa Makati at binili na niya ito.

###

By November ay balik-bansa na ang Canada-based director-producer na si Direk Reyno Oposa, and he’s back for good.

Bukod sa pagdidirek at pagpo-produce ay may bubuksan itong Chicken Inasal outlet.

Pero ang isa pang ikinae-excite ni Direk Reyno ay ang bagong movie na gagawin na Midnight Butterflies. Nang i-post niya sa kanyang Facebook account ang teaser nito ay napuna na agad ito ng LGBTQ community.

Although may pagka-kontrobersyal ‘yung tema ay wala kaming nakikitang masama sa pelikula. Sa post ng kaibigan naming director, may mga nega comments na kasi ang ilang judgmental people.

By the way, may napili nang lead actor para sa nasabing movie si Direk Reyno na pet project niya, ang newcomer Fil-Am model na si Kurt Harris.

In fairness, straight guy itong si Kurt pero nang pagsuotin na ng girl outfit ay babaeng-babae na ang dating.

May apat pang actors na gaganap na bading sa Midnight Butterflies at soon ay papangalanan na rin ito ni Direk Oposa. Napansin na ng Cinemalaya ang pelikula ni Direk, at napatunayan nang may ibubuga ito.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment