BEAUTY GONZALEZ  PALABAN SA MGA ONLINE BASHERS

beauty g
0

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

KAMAKAILAN  ay na-bash ang isa sa lead stars ng “Kadenang Ginto” sa ABS-CBN 2 na si Beauty Gonzalez nang mag-post siya ng larawan na naka- two-piece swimsuit sa kanyang Instagram. Sabi ng ilang netizens, hindi magandang tingnan para sa isang tulad niyang may anak na ang halos hubad na sa larawan. Hindi pinalampas ni Beauty ang nasabing comments.

“Ikaw, pakita ka naman! Para mag-enjoy 14 followers mo?! Please?” sagot nito.

At hindi pa doon nagtapos dahil heto at may bago na naman siyang posts and this time ay kasama niya ang kanyang best friend na si Ellen Adarna, her hubby Norman Crisologo, and their little baby daughter Olivia sa isang secluded beach resort.

Hindi naman malinaw kung kasama ni Ellen ang kanyang partner na si John Lloyd Cruz at ang kanilang anak na si Elias Modesto dahil wala ang mag-ama sa mga larawang ipinost ni Beauty.

Malaki ang pasasalamat ni Beauty sa kanyang afternoon teleserye dahil napansin ang kanyang itinatagong galing sa pag-arte kung saan palaging trending ang mga tarayang eksena nila ng isa pa ring equally talented at mahusay na aktres na si Dimples Romana.

Napapansin na rin ang kanyang mga bikini shots at itinuturing na rin siyang isa sa mga sexy mommies ng showbiz.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment