CRISTINE MAS LUMAWAK ANG PAG-INTINDI SA PINASOK NA TRABAHO

TUWING may itatanong noon kay Cristine Reyes ang entertainment press na may kaugnayan sa personal niyang buhay ay umiiwas itong sumagot. Minsan naman kapag napipilitan siyang sumagot ay kadalasang ‘no comment’ o lihis sa tanong ang kanyang mga sagot.

 

Sa presscon ng pelikulang Untrue kung saan bida si Cristine kasama si Xian Lim, ay napansin namin ang slight na pagbabago kay Cristine kung paano siya sumagot at makiharap sa press.

 

Ano nga ba ang dahilan ng tila pagiging warm niya ngayon sa press kumpara noong mga nagdaang taon?

 

“Siguro over time…  magti-thirty-one na ako. Nung mga time na nakilala niyo ako na feisty and all, I was 14, 15, teenager,” sagot ni Cristine nang makausap namin sa presscon ng Untrue.

Hindi rin daw siya masisisi ng press dahil noong mga panahong iyon ay hirap pa siyang kontrolin ang kanyang emosyon.

 

“You can’t really blame me for those days na hindi ko ma-control ang emotions ko. So over time, natututo ka rin to fix yourself, na hindi naman lahat ng bagay ay kailangang lalabanan mo.

 

“Basta ang kailangan is to try to become a good person when it comes to myself, to other people, to work. I’m really trying,” pahayag pa ng aktres na gumaganap bilang si Mara sa Untrue.

 

Ayon pa kay AA (palayaw ni Cristine), habang tumatagal ay mas naiintindihan na rin niya ang pinasok na industriya kaya ibinubukas na niya ang sarili dito.

 

“Siguro dun pumapasok ‘yung naiintindihan mo na ‘yung pinasok mong trabaho.  Kasi noong nagsisimula ako, honestly, totoo na wala akong pakialam noon.

 

“Kapag may nagtatanong, ‘Ayoko ngang sagutin yan!’ ‘Di ko nga gustong sagutin yan.’ ‘Bakit sino ka ba para magtanong?’ Gano’n ako, eh… dati.

 

“Pero ngayon, mas malawak na ang pagkakaintindi ko sa pinasok kong trabaho, at kasama ‘yun. Ngayon, mas masasabi ko na mas nakakaharap na ako nang maayos,” paliwanag ng aktres.

 

Patuloy pa niya, “Hindi na ako padalus-dalos, hindi na ako nagwu-walk out. Ngayon, mas appreciative na ako na nandito na ulit ako.  Mas na-appreciate ko kung ano meron ako, ‘di katulad nang dati.”

 

Ang Untrue na ipalalabas sa Feb. 19, 2020 ay produced ng Viva Films at IdeaFirst Company. Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Sigfrid Andrea Bernardo.

 

147

Related posts

Leave a Comment