ENZO: WALANG SAPLOT SA EKSENA NILA NI SUNSHINE

olea(NI JERRY OLEA)

GLORIOUS  ang butt exposure ni Enzo Pineda sa teaser/trailer ng Cinemalaya 2019 movie nila ni Sunshine Cruz na Malamaya (The Color of Ash). Walang saplot si Enzo habang kaeksena si Sunshine. Pwetmalu!

Paano siya kinumbinsi ng directors nilang sina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez para gawin ang pa-puwet?

Napangiti nang pilyo si Enzo, “Ahhm, hindi po ako nila kinumbinsi. Actually, ako ang nag-suggest. Hahaha!!!”

Two to three months na nag-work out si Enzo para mapaganda ang legs at wetpaks.

Aba! Childhood crush niya si Sunshine kaya ayaw niyang mapahiya rito sa kanilang sexual scene.

“To be honest with everybody, Malamaya is a dream come true for me,” pahayag ni Enzo.

“Actually, part po talaga ng bucket list ko is to be part of Cinemalaya this year.

“Nag-audition ako last year… for this year. At akala ko, hindi na matutuloy iyong pangarap ko, pero a few months ago, binigyan ako ng pagkakataon nina Direk Dani, Direk Lei, Tito Arnold (Vegafria), Sir Albert (Almendralejo)…

“As an actor, being in Cinemalaya is a dream come true.”

###

Nahirapan si Sunshine Cruz sa pagganap bilang visual artist na si Nora sa Malamaya.

Paliwanag ni Sunshine, “Hindi ako marunong mag-draw. Kahit ‘yung stick na tao, nahihirapan ako. Hahaha!!! But si Nora is a visual artist, napakagaling, very talented. Napakaga­ling niya.

“And I don’t smoke. Nora is a chain smoker. So, ‘yun ‘yung isa sa mahirap na ginawa ko. Minsan, hindi lang isang stick sa isang eksena ‘yung nauubos ko. Minsan, anim, pito, so… minsan, nakakahilo. There was a time I almost passed out.

“Nahilo ako sa smoke. Ang init kasi sa UP. Nagsisigarilyo. We had to repeat the scene over and over again. Kasi, sa sobrang hilo ko, nakakalimutan ko na ‘yung lines.

“Pero ‘yon, sacrifice, of course, para pagmukhaing believable ‘yung character ko.”

Mahirap din syempreng gawin iyong sensual scenes nila ni Enzo Pineda.

“Ang tagal ko nang hindi ginagawa, na ginawa ko ulit — after giving birth to three teenagers, binalikan ko po.

“But I have no regrets at all. Because I’m very proud of our movie, at alam ko na importante, kailangan sa movie ‘yung ginawa ko, hindi basta lang nagpakita.

“And maganda! Maganda ‘yung movie!”

Kumusta ang spicy scenes nila ni Enzo?

“Spicy, parang siling labuyo,” napangiting pakli ni Sunshine.

“Ahhmm, very sensual. Ang ganda ng shots. Ang ganda ng ilaw. Maglalaro ang imahinasyon ng tao.

“This is very different from what I did before. Ewan ko kung napanood n’yo na po pero kahit picture na lang, naka­kagulantang na, di ba, Sir Albert?

“4am, tumatawag ako sa aking manager at kay Sir Albert dahil may lumabas po na picture na naloka ako. Hahaha!!!

“Ayokong mag-spoil. Pero talagang kailangan nilang abangan dahil kakaiba po talaga.”

Umaasam si Sunshine na susuportahan ng film aficionados ang unang Cinemalaya movie niya.

Aniya pa, “Sa July 18 po, birthday ko. Ito na lang po ang regalo ninyo sa akin. I’ll be 42.

“And isang karangalan ang mapasama sa Ci­nemalaya 2019.

“Please support our movie. Pinaghirapan po talaga namin ito. At talagang I’m very proud of this movie.”

Nakatakda ang gala night ng Malamaya sa Agosto 6, Martes, 6:15pm sa Tanghalang Nicanor A­be­lardo (CCP Main Theater).

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment