GAGAYAHIN KO SI ATE MARIAN RIVERA NA IDOL KO – JILLIAN WARD

(NI RONALD RAFER)

JILLIAN Ward reminds us of younger Maricel Soriano and Snooky Serna during their teenage days.

Nakikita naming sisikat ito nang todo at magiging in-demand na leading lady sa TV at pelikula. Nagdadalaga na si Jillian at lalong gumaganda. Super hinhin lang niyang kumilos at matipid magsalita. Hindi gaya nung bata pa siya na madaldal at makulit.

Bibida si Jillian sa bago niyang show sa Kapuso Network, ang “Prima Donnas” na magsisimula nang mapanood sa August 19, 2019. Kasama rin niya sina Sofia Pablo at Althea Ablan bilang mga kapatid niya.

Ang “Prima Donnas” ay kuwento ng tatlong magkakapatid na babae na pinagkaitan ng pagmamahal at karangyaan sa buhay.  Kasama nila rito sina Wendell Ramos, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Aiko Melendez, Chanda Romero, at Elijah Alejo.

Aminado si Jillian na marami na ang nagpaparamdam na gustong manligaw, pero sabi niya, not now dahil bata pa siya.

“Gagayahin ko si Ate Yanyan (Marian Rivera) na idol ko na nag-focus muna sa career kesa sa pakikipag-boyfriend. Bata pa ako at sayang ang mga opportunity na dumarating. Habang bata pa ako, dito muna ang focus ko. Makapaghihintay naman ang pakikipag-boyfriend, saka na ‘pag 20 na siguro ako.

“Look at Ate Yanyan, nung dumating si Kuya Dingdong sa buhay niya, nasa right age na sila. Gusto ko, ganun din ang mangyari sa akin. ‘Yung gusto ko, bagay kami at mamahalin ako.

“So, for now, friendship muna ang maio-offer ko sa mga boys. ‘Yun na lang muna. Saka na iyang boyfriend-boyfriend,” sey pa ng magandang dalagita.

AI-AI NA-BULLY NOON NG MGA ARTISTANG FEELING MAGAGANDA

First time na gaganap sa role na artista si Ai-Ai delas Alas sa And Ai Thank You, sa direksyon ni Joven Tan. Masaya siya dahil glamorosa siya sa pelikula, hindi nanay na naka-duster at deglamorized.

Pero inamin ng Comedy Concert Queen na na-bully rin siya noong araw ng mga artista na feeling super ganda nila.

“Siyempre hindi ko na sasabihin kung sino sila, ‘noh! Wala nang rason pa. Move-on!” sabi ni Ai-Ai sa presscon ng movie.

Sinabi rin ni Ai-Ai na tinatapos lang niya ang lahat ng showbiz commitments niya dahil magpapahinga muna siya dahil gusto niyang magbuntis.

“Kaya nga todo-kayod dahil matagal-tagal din akong magpapahinga. Siyempre nasa bed lang ako para maingatan si baby. Alam n’yo naman na sa edad ko, eh, mahirap nang magbuntis. Pero kakayanin ko para may baby kami ni Papi.”

Si Rufa Mae Quinto ang gaganap na karibal niya at riot ang mga kwelang eksena nilang dalawa.

“Grabe ang mga eksena namin ni Peachy (tawag kay Rufa Mae). Nakakatawa talaga. Eh, kami ni Rufa gamay na namin ang isa’t isa kaya tinginan pa lang, nagtatawanan na kami,” sey pa ni Ai-Ai.

Pinaghandaan talaga ang pelikula bago ito mabuo. Sabi ni Direk Joven, pati ang mga makakasamang artista ni Ai-Ai ay piling-pili at swak sa mga karakter nila.

“Malaking artista si Ai-Ai kaya naman ibinigay namin sa kanya ang mga mahuhusay na artista natin pagdating sa comedy. May say rin siya sa mga artistang makakasama niya – para happy family sa set at good vibes lahat,” dagdag pa ni Direk Joven.

Confident si Ai-Ai na magugustuhan ng mga tao ang pelikula nila.

“Alam natin na namimili na ang mga tao ngayon kung saan sila mag-e-enjoy. I can say na magugustuhan nila ang pelikula namin dahil lahat ng hinahanap nila ay nandito na. Hindi ka lang matatawa, iiyak ka rin at mai-inlove,” hirit pa ni Ai-Ai.

Kasama rin sa pelikula sina Dennis Padilla, Anjo Yllana, Joross Gamboa, Juliana Parizcova Segovia at ang estudyante namin noong Grade 3 pa lang siya sa San Pedro Laguna na si Kakai Bautista na sobrang nakaka-proud dahil napakatalentado at hindi nawawalan ng trabaho.

Ang And Ai Thank You ay handog ng Reality Entertainment at Horseshoe Studios. Makipila na po tayo today, August 14, sa lahat ng sinehan nationwide

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment