I’VE HAD ENOUGH! – CLAUDINE BARRETTO

claud66

“OH I’m sorry. I forgot I only exist when you need something.” Ito ang nilalaman ng Instagram post (na photo-quote) ni Claudine Barretto kahapon, July 28. May caption pa ito na, “I’m done! I can only do and take so much.”

Hindi tinukoy ng aktres kung sino ang pinariringgan niya. May mga nagsasabing ang ate niyang si Marjorie at ang anak nitong si Julia ang tinutukoy ni Claudine. Sumagot ang isa pa niyang ate na si Gretchen sa post: “Correct. Do not allow others to abuse your kindness. Is it the mother daughter team (laughing emoji)?”

Dahil dito, napabulaanan ang haka-hakang hindi na naman magkasundo ang mag-ateng Gretchen at Claudine.

 

86

Related posts

Leave a Comment