JAMES BINIBENTA NA ANG BAHAY NILA NI NADINE

TAONG 2017 nang unang umugong ang balitang nagli-live in na ang magkasintahang James Reid at Nadine Lustre. Dahil sa isyu ding ito kaya nasambit ni Nadine ang mga katagang, “Come on, guys, it’s 2017!”

Oo nga naman, 2017 na! Eh 1970s pa yata nauso ang living in o ang pagsasama ng dalawang taong hindi pa kasal.

Pero noong taong iyon, hindi pa nila inamin ang kanilang pagli-live in. Nangyari lang ito noong March 2019 na – sa interview ni James sa “Gandang Gabi Vice” kung saan siya “nadulas” nang sabihin niyang “Well, we live together, so…”

So, totoo ngang nag-live in ang ngayo’y hiwalay na raw na Kapamilya tandem. At ito ang naging set-up nila hanggang sa kanilang hiwalayan nitong January lang.

At dahil nga umalis na sa pugad nila si Nadine after the split, natsismis (sinimulan ni ‘Nay Lolit Solis) na binebenta na raw ni James ang lovenest ng Jadine. Pero wala pang confirmation noon from either James or Nadine.

But come to think of it, it’s only a logical thing for James to do: Sell the house that is associated with his loveteam with Nadine and would remind him of their four-year relationship.

Ngayon, confirmed na binebenta na nga ito. At galing mismo kay James ang confirmation – by way of an Instagram post nitong February 25 lang.

“My house is for sale!” yan ang caption ni James sa isang photo collage na pinost niya. Nasa collage ang photos ng labas at loob ng bahay nila sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.

Sabi sa listing, ang 3-storey house ay may 7 bedrooms, large open space living areas, 2 large kitchens, a soundproof recording studio, a 25-meter lap pool, fully equipped gym, and a 6-car garage. Ang sukat nito ay 1,000 square meters.

Makikita sa mga larawan sa collage na ito nga ang Jadine lovenest dahil makikita rito ang chandelier, wooden railings na malimit makita sa selfies ni Nadine.

Interesado ka bang bumili ng bahay? Kontakin mo na agad si James at baka maunahan ka pa!

MOMMY DIVINE’S SUICIDE: FAKE NEWS!

Sino ba naman ang hindi nakakaalam ng secret wedding nina Sarah Geronimo at Mateo Guidicelli noong February 20, 2020?

The following day, when the news was confirmed, ang dami ring naglabasang detalye ng mga mala-teleseryeng eksena na naganap nang sumugod si Mommy Divine, ina ni Sarah, sa venue ng kasalan.

Marami ring opinyon ang pinost ng followers ng loveteam, at karamihan sa kanila ay, naturally, galit kay Mommy Divine dahil sa “pagsakal” nito sa kanyang 31-year-old daughter. Naging kontrabida ang nanay sa mata ng karamihan.

And only a few days after the secret wedding, biglang may kumalat na “news video” na nagsasabing nagpakamatay si Mommy Divine the day after the wedding, February 21.

Pero FAKE ito. Ang ginamit na video clip ay galing sa isang 2014 news report tungkol sa ibang tao (ang murder ng nanay ng aktres na si Cherry Pie Picache).

Ang website na nag-post ng balita ay ang h0t.m0rningnewst0day. xyz at may headline ito na “lna ng Aktres, Singer na si Sarah Geronimo, Nagpakamatay Matapos Di Matanggap Ang Pagpapakasal ni Sarah.”

Suspicious ang websites na nag-post ng fake news, kaya ingat lang po tayo sa mga kini-click natin.

May YouTube version din itong fake news na ito. Ang YouTube channel na ito (Latest Trending ang pangalan) ay na-report na rin for posting fake news before.

Ganito lang po: Kung may news na ganito kalaki, palagay niyo ba hindi ito ibabalita ng major news networks? Kung wala ito sa kanila, malamang fake ito. ‘Wag agad maniniwala. ‘Wag agad magsi-share. Wag tatanga-tanga!

 

 

61

Related posts

Leave a Comment